Cast:
Odessa- seksing seksing nanay ng grupo, may kakaibang taste sa mga lalaking hanggang kili kili niya lang, ampon, laking palengke
Ray- malibog, nagtatago sa mama's boy image since grade 1, ex ni Arah
Anne- bestfriend ni Greg, matampuhin, moody, naghi-high socks na parang madre
Greg- pasensyoso, corny, nakipagbreak sa ex nung 3rd monthsary para patunayang more than friends sila ni Anne
Nan- babaeng natrap sa machong katawan ng lalaki, never naaasar, mahaba ang kamay, gusto ng mga mahahabang bagay
Yuna- boyish, mahilig sa musika, madaming lihim, nanununtok
Ako- genius ng barkada, Dr. Love
Recurring Cast:
Arah- best friend ko, crush ng bayan, ex ni Ray, may 5PM na curfew sa 1800's parents
Ian- ang lalaking pinagnanasahan ni Nan, Felix Bakat
Nelly- ka MU ni Ian, conservative, spoiled brat, nangabilang probinsiya para bumili lang ng prom dress
Baby- madaming pimples, walang tigil ang bunganga, nagmamaganda sabi ni Nan
Miko- may lahing hapon kaya tinitilian ng mga kababaihan pero jologs at kumakanta ng Cueshe at Hale, niligawan si Arah
at kung sino sino pa
(hoy hoy buloy/ naalala mo pa ba/ nung tayo's nagsasama/ hoy hoy buloy)
O kung saan tumigil na lang sana ang mundo at nagsimulang magbago ang lahat ng bagay
"Last picture bago umuwi!", sigaw ni Odessa. Katatapos lang ng High School graduation at dumiretso sa isang mumurahing resort upang magpakalunod sa alcohol at mga pangarap na gustong matupad.
Nasa isang sulok si Anne at Greg, patagong naghahawakan ng kamay dahil bestfriends lang daw sila. Si Ray, nasa swing mag-isa. Si Ian at Nelly, gusto mang magtabi ay pilit tinutukso ng buong barkada dahil type ng bading na si Nan si Ian.
"Ano ba yan, baka ito na nga yung last na buo tayo, ganyan pa kayo!". Odessa, forever bugnutin. Hawak niya yung camera niyang may 4 na shots na lang yatang laman habang ang ilan ay wala ng laman ang utak kundi alak.
Magkasama si Miko at Aileen, yung pokpok sa barkada, sa isang madilim na sulok na balitang may mga sawa daw. Tahimik lang si Yuna sa gilid, as usual, pero nangingiti-ngiti.
Si Baby pilit sumisiksik sa lahat ng usapan dahil walang makatiis sa kanyang bunganga at mood swings. "No, I don't believe in relationships anymore. What ex and I had was so past na." Parang walang nakinig, kasi naman sobrang past na yung topic niya.
"Ang daming arte, bilis na." Ako. Katext ko si Arah dahil 48 minutes ago, nakipagbreak siya kay Ray.

(Wag kang matakot na baka magkamali/ walang mapapala kung hindi ka magbakasakali/ Dahil lumilipas ang oras/ Baka ka maiwanan/ Kung hindi mo susubukan)
O kung paano sinira ng emotional instability at distance ang almost perfect bestfriend turned lovers romance ni Greg at Anne
Hinatid pa ni Greg si Anne sa bahay nila nung gabing yon. Pagpasok palang, nagmano na siya sa mga magulang ni Anne. Tito at Tita na ang tawag niya sa kanila, at Anak na ang tawag ng nanay ni Anne sa kanya. Naupo sila at nagpatinginan ng mga nakuhang litrato sa cellphone. Natatawa sila sa mukha ni Nan at Baby.
Ang hindi nila alam, cellphone ang tanging magiging connection nila sa mga susunod na taon. Cellphone ang kausap ni Greg kapag sasabihan niya si Anne na handa siyang maghintay kahit na libo libong kilometro ang layo nila sa isa't isa. Cellphone ang finifinger ni Anne kapag ipipilit niyang ipasok sa isip niya na distance don't matter basta mahal mo ang tao.
Magiging sila, eventually. New Year's Eve after 3 years, kasabay ng putukan ay ang kanilang mga damdaming pilit pinahihinog ng kasabikan ni lalake ng isang matinong relasyon at ang walang kamuwang muwang na batang isipan ni babae. Matutuwa ang buong barkada. Si Baby, dahil single parin, magbitter. Si Odessa, daig pa ang sinex ni Tom Cruise ang magiging reaction.
Pinaghanda ng nanay ni Anne si Greg ng makakain habang patuloy sa pagtingin sa cellphone ang dalawa. "Araw araw kitang tatawagan" Sabi ni Greg. "Basta walang iwanan". Paninigurado ni Anne.
Hindi sisirain ni Greg ang pangakong araw araw tatawag. Mula ng gabing iyon, kasama na sa budget ni Greg ang pangload ng unlimited calls araw araw. Ang mga susunod na taon ay magiging saksi sa kung paano nalugi ang telecomm networks sa dalawa.
Pero may mang-iiwan. Sasabihin ni Ray na normal daw na maghanap ng iba si Anne, kasi malayo. Si Nan, sisisihin si Anne sa nangyari- makati daw. Walang hihingi ng opinyon ko, at hindi din ako magsasalita. Ako kasi ang tanging isang maniniwalang walang patutunguhan ang dalawa hanggang matutunang mag-isip ni Anne.
Bago umuwi si Greg, dahil pagod din sa pagswimming, yayakapin siya ni Anne. Bestfriend kasi sila. At kahit 5 years after nagbreak na sila, yayakap parin si Anne kay Greg. Bestfriends kasi sila.
.2 soon. aka gusto kong magtagalog at gumawa ng kwento mula sa mga nangyari nung christmas break.
Ayos. Parang gimik at tabing ilog nga.
ReplyDelete