Tag-ulan

sa isipan—

pilit kitang binubura
ngunit sa tuwing inaalis

lalong nagugunita
ang iyong ala-ala

tulad ng ulan sa labas
malakas at maingay

walang tigil sa pagbagsak
kaya't sa aking isipan

bumaha ng iyong larawan
bumuhos ang nakaraan

patuloy ang pagbuhos
walang tigil

kailan kaya titila
ang ulan?

1 comment:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete